^
Unang finals appearance ni Alex Eala sa womenâs professional tennis
Alex Eala

Unang finals appearance ni Alex Eala sa women’s professional tennis

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang umabante si Pinay tennis phenom Alex Eala sa kauna-unahan niyang finals appearance sa isang professional women’s singles tournament.

Ito ay matapos patalsikin ng 15-anyos na si Eala si Adithya Karunaratne ng Hong Kong, 6-3, 6-4 sa kanilang semifinals match papasok sa finals ng ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour tournament sa Manacor, Spain.

Makakaagawan ni Eala para sa korona si hometown bet Yvonne Cavalle-Reimers na sinibak si Leolia Jeanjean ng France, 6-4, 6-2 sa isa pang semifinals game.

Inaasahang gagamitin ng 28-anyos na si Cavalle-Reimers, ang World No. 490 player, ang kanyang karanasan para pigilin ang pangarap ni Eala.

Nanggaling si Eala, ang Juniors World No. 3 ranked player, sa mahirap na  6-7, 7-6 (4), 6-4 quarterfinals win laban kay French netter Carole Monnet.

Sa first round ay tinalo ng iskolar ng Rafa Nadal Academy si Italian bet Anna Paradisi, 6-1, 6-2 bago iniligpit si No. 1 seed Seone Mendez ng Australia, 6-4, 6-1 sa se-cond round.

Sa kaagahan ng 2020 ay inangkin ni Eala, katuwang si Indon partner Priska Nugroho, ang doubles’ crown ng Australian Open at nakapasok din sa semifinals ng French Open girls’ singles tournament.

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with