^
Jamie Lim tuloy ang training kahit...
Jamie Lim

Jamie Lim tuloy ang training kahit...

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung matutuloy ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic pero sinabi kahapon ni national karatedo team mainstay Jamie Lim na mas tinututukan niya ang kanilang preparasyon sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“I’m just training po with the mindset na it will push through, so that I’ll be prepared for whatever happens,” wika ni Lim, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, sa panayam ng PMSports.

Isa ang anak ni PBA legend Samboy Lim sa mga national karatekas na naghahangad na makasikwat ng tiket sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ang iba pa ay sina Fil-Japanese Junna Tsukii, ang 2019 SEA Games gold medal winner, Fil-American Joane Orbon, Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif. Sina Tsukii at Orbon ay kasalukuyang nagsasanay sa Japan at United States, ayon sa pagkakasunod.

Noong Martes ay sinimulan na ng national karatedo team ang kanilang pagpapakondisyon sa loob ng ‘Calambubble’.

JAMIE LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with