^

Eala diretso sa Finals

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumiretso si Pinay pride Alex Eala sa semifinal round ng ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour matapos patalsikin si French netter Carole Monnet, 6-7 (4), 7-6 (4), 6-4, sa kanilang quarterfinals match sa Manacor, Spain.

Ito ang unang semifinals appearance ng 15-anyos na si Eala sa kanyang unang pagsabak sa women’s professional tournament.

Nakatakdang labanan ng Pinay tennis sensation sa semis kagabi si Adithya Karunaratne ng Hong Kong na kasalukuyang World No. 803 seed.

Tinalo ng 19-anyos na si Karunaratne si Emiliana Arango ng Colombia, 6-3, 6-0 sa kanilang quarterfinals game.

Bagama’t naisuko ang unang tiebreaker sa first set ay nakabawi naman si Eala sa second set patungo sa pagsibak sa 19-anyos na si Monnet.

Nauna nang dinispatsa ni Eala, ang 2020 Australian Open Juniors Doubles champion, si No. 1 seed Seone Mendez ng Australia, 6-4, 6-1, sa second round.

Sinibak naman ni Eala, iskolar ng Rafa Nadal Academy, si Italian bet Anna Paradisi, 6-1, 6-2, sa first round.

Hangad ng Juniors World No. 3 ranked na si Eala, kasalukuyang No. 1,651 sa listahan ng professional women’s singles, na maitaas ang kanyang ranggo sa ng naturang $15,000 tournament.

TENNIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with