^

76ers wagi sa Boston

(Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

PHILADELPHIA -- Humakot si star center Joel Embiid ng 38 points at 11 rebounds habang nagdagdag si Tobias Harris ng 23 points para banderahan ang 76ers sa 122-110 paggupo sa Boston Celtics.

Ito ang ika-11 panalo ng Philadelphia sa 14 laro.

“We’ve got a great group of guys and we’re still learning how to play with each other,” sabi ng 7-foot-2 na si Embiid. “We’re only going to get better.”

Nagbalik si guard Seth Curry sa starting lineup ng 76ers matapos ang seven-game absence dahil nagpositibo sa COVID-19, at nag-ambag ng 15 points.

Pinamunuan ni Jaylen Brown ang Celtics (8-6) sa kanyang 42 points at 9 rebounds at may 20 markers si Marcus Smart.

Sa Minneapolis, tumipa si Trae Young ng season-high 43 points habang kumolekta si Clint Capela ng 13 points, 19 rebounds at 10 blocks para sa 116-98 tagumpay ng Atlanta Hawks (8-7) kontra sa Minnesota Timberwolves (3-11).

Si Capela ang naging ikatlong player sa Hawks history na nagposte ng 10 blocks sa isang laro matapos sina Dikembe Mutombo at Josh Smith.

Sa Florida, nagtala si Norman Powell ng 23 points at may 21 markers si OG Anunoby para sa 101-81 pagdaig ng Toronto Raptors (6-9) sa Miami Heat (6-8).

Kumolekta si Pascal Siakam ng 15 points, 14 rebounds at 5 assists para sa Raptors,

Sa San Antonio, naglista si Luka Doncic ng 36 points, 11 assists at 9 rebounds para tulungan ang Dallas Mavericks (8-7) na angkinin ang 122-117 panalo laban sa Spurs (8-8).

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with