^

Gilas mahihirapan sa Korea

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mapapalaban ang Gilas Pilipinas sa solidong South Korea matapos ianunsyo na kasama sa kanilang 12-man roster si dating PBA import Ricardo Ratliffe para sa nalalapit na ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa bubble sa Pebrero 18-22.

Dating import ng Star Hotshots (Magnolia ngayon) si Ratliffe, kilala bilang Ra Gun-A matapos ang naturalization sa SoKor at makakasama niya ang dating Asian reinforcement ng Phoenix na si Lee Gwan Hee para sa krusyal na kampanya ng Korea.

Siguradong gigil ang Korea na nabawasan ng dalawang puntos at napatawan ng multa bilang parusa sa pagliban sa second window sa Bahrain.

“Against South Korea with a naturalized player, things are going to be little bit harder pero mas mahaba ‘yung preparation natin ngayon,” ani Ryan Gregorio na nagsisilbing special assistant to Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio sa Power and Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala.  

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with