^

Navarro sali rin sa PBA draft

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa pang solidong big man ang dumagdag sa malalim na 2021 PBA Rookie Draft matapos sa pagsali ni Gilas Pilipinas cadet at Ateneo standout Will Navarro kahapon.

May huling playing year pa sana ang 6-foot-6 na sentro sa Blue Eagles sa UAAP subalit nagdesisyong sumali na sa online rookie draft na nakatakda sa Marso 14.

Sa kanyang average na 7.3 puntos, 5.6 rebounds at 1.3 assists, malaki ang naging kontribusyon ni Navarro sa three-peat UAAP championship ng Blue Eagles noong Season 82 kasama sina Thirdy Ravena, Isaac Go, Matt at Mike Nieto.

Dati ring naglaro sa San Beda sa NCAA ang 23-anyos na cager na ngayon ay nasa Gilas training bubble sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa nalalapit na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero 18-22 sa Clark, Pampanga.

Kasama siya sa Gilas squad noong Nobyembre para sa ikalawang window na ginanap sa Bahrain.

Sasamahan ni Navarro ang iba pang prized big men ng PBA draft na sina Larry Muyang, James Laput, Troy Rike at Santi Santillan na namumurong masikwat sa unang round.

Bumabandera sa lagpas 70 rookie hopefuls sina Joshua Munzon at Jaime Malonzo.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with