^

Walang shoo-ins sa Gilas

Chris Co (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang nakasisiguro ng slot sa Final 12 ng Gilas Pilipinas para sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero 18-22 sa Clark, Pampanga, ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) assistant to president Ryan Gregorio dahil ibabase ang desisyon ng coaching staff sa resulta ng training camp ng National pool sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“They were briefed before they entered the bubble that nobody is assured of a slot in our final 12 so they really have to fight for it. They have to make sure that they are worthy of the slot given to them,” ani Gregorio sa programang Power and Play. 

Sa kasalukuyan, may 18 players na ang nasa Gilas pool sa Calambubble.

Huling pumasok sa training camp sina PBA players Troy Rosario at Roger Pogoy ng Talk ’N Text at Raul Soyud ng NLEX kasama si Gilas Cadet Juan Gomez de Liano.

Hinihintay pa ang pagdating nina NBA G League-bound Kai Sotto at Filipino-American Dwight Ramos na parehong manggagaling sa Amerika para makumpleto ang 20-player pool ng Gilas.

Mula sa 20 players, pipili ang coaching staff ng bubuo sa Final 12.

Ngunit posible namang makalaro ang lahat ng nasa pool dahil pinahihintulutan ng FIBA na magpalit ng lineup sa bawat laro.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with