^
Rosario, Pogoy nasa gilas bubble na
RR Pogoy at Troy Rosario

Rosario, Pogoy nasa gilas bubble na

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang puwersa ng Gilas Pilipinas matapos pumasok ang beteranong sina Troy Rosario, RR Pogoy at Raoul Soyud sa training bubble sa Inspire Sports Acade-my sa Calamba, Laguna.

Kasama ng tatlong PBA cagers si Gilas cadet Juan Gomez De Liaño na pare-parehong sasailaim sa swab test bago makasali sa ensayo ng Nationals na bahagi ng protocols.

Sasamahan nila sa bubble training camp ang iba pang PBA stars na sina Kiefer Ravena, CJ Perez at Justin Chua gayundin sina Isaac Go, Rey Suerte, Mike at Matt Nieto na ipinahiram muna sa Gilas matapos maging top PBA draftees noong 2019.

Nasa bubble na rin ang mga cadets na sina Javi Gomez De Liaño, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana, Kemark Carino, Ange Kouame at Justine Baltazar sa ilalim  nina coaches Jong Uichico, Norman Black, Caloy Garcia at program director Tab Baldwin.

Inaasahang susunod Sina Kai Sotto at Dwight Ramos sa Calamba bubble para paigtingin ang paghahanda ng Nationals para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga mula Pebrero 18-22.

 

TROY ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with