^

PM Sports

LeBron bida sa panalo ng Lakers vs Bucks

Pang-masa
LeBron bida sa panalo ng Lakers vs Bucks
LeBron James

MILWAUKEE — Humataw si LeBron James ng season-high 34 points sa pagsisimula ng kanilang seven-game road trip para tulungan ang nagdedepensang Los Angeles Lakers na talu-nin ang Bucks 113-106.

Bumangon ang Los Angeles (12-4) mula sa 113-115 kabiguan sa Golden State Warriors noong Lunes kasabay ng pagpapalasap sa Milwaukee (9-6) ng ikalawa nitong sunod na kabiguan.

Nagsalpak ang Lakers ng 19-of-37 shooting sa three-point range kung saan kumonekta si James ng anim na triples habang may pito si Kentavious Caldwell-Pope na tumapos na may 23 points.

Nag-ambag si Anthony Davis ng 18 points, 9 rebounds at 6 assists at may 12 markers si Montrezl Harrell.

Binanderahan ni Gian-nis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 25 points at 12 rebounds at may 22 points at 20 markers sina Jrue Holiday at Khris Middleton, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Los Angeles ang 63-57 abante sa first half bago nagsalpak sina James at Caldwell-Pope ng magkakasunod na tres para kunin ang 12-point lead, 69-57, laban sa Milwaukee sa third period.

Nakadikit ang Bucks sa 100-102 matapos ang baseline drive ni Middleton sa 3:05 minuto ng fourth quarter kasunod ang tres nina James at Caldwell-Pope para mu-ling ilayo ang Lakers sa 111-103 sa huling minuto ng laro.

Nakahugot ang Milwaukee ng 13 points kay center Brook Lopez at 10 markers kay Donte DiVincenzo.

Ito sana ang unang back-to-back games para sa Bucks kundi lamang ipinagpaliban ng NBA ang kanilang home game laban sa Washington Wizards noong nakaraang Biyernes.

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with