Malaking panalo para kay Eala
MANILA, Philippines — Mainit ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang unang professional tournament ngayong taon nang magtala ito ng malaking panalo sa pagdispatsa kay No. 1 seed Seone Mendez ng Australia, 6-4, 6-1 para umabante sa quarterfinal round ng ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour sa Manacor, Spain.
Ito ang kauna-unahang quarterfinals appearance ni Eala, ang 2020 Australian Open Juniors Doubles champion, sa anumang nilahukan niyang professional tournament.
Nauna nang sinibak ng iskolar ng Rafa Nadal Academy si Italian bet Anna Paradisi, 6-1, 6-2, sa first round.
Ang Juniors World No. 3 na si Eala ay kasalukuyang No. 1,651 sa listahan ng professional women’s singles.
Maghihintay pa si Eala ng kanyang makakalaban sa quarterfinals matapos patalsikin ang 21-anyos na si Mendez, ang International Tennis Federation (ITF) Women’s No. 2 at No. 1 player ng naturang $15,000 tournament.
- Latest