^

PBA Draft pool lagpas 70 na

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumali na rin sa 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14 ang dating FEU at Philippine youth team big man na si Ken Holmqvist upang lalong palalimin ang listahan ng rookie applicants na higit 70 na.

Bahagi si Holmqvist ng kameponato ng Tamaraws sa UAAP Season 78 at 2015 Philippine Collegiate Cham-pions League, kung saan tinanghal siya na co-Finals MVP. Naglaro rin sya sa Gilas noong 2016 SEABA Cup.

Swak din sa draft sweepstakes sina Kimlee Bayquin at Joel Lee Yu ng FEU gayundin si Reymar Caduyac na dating teammate ni CJ Perez sa Lyceum.

Sinamahan nila ang mga top prospects na sina Joshua Munzon, Jaime Malonzo, Larry Muyang, Alvin Pasoal, Troy Rike, Santi Santillan at Franky Johnson gayundin ang iba pang talents mula sa UAAP, NCAA at MPBL.

Sa Enero 27 ang deadline ng appication.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with