^
Kai Sotto lalaro sa gilas para sa FIBA 3rd window
Kai Sotto

Kai Sotto lalaro sa gilas para sa FIBA 3rd window

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang mga agam-agam sa nakalipas na buwan, siniguro ni NBA G League cager Kai Sotto ang paglalaro sa Gilas Pilipinas para sa huli at ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebrero 18-22 sa Clark, Pampanga.

“I’m heading home soon,” anunsyo ng 7-foot-3 Filipino teen tower kahapon ng umaga sa social media mula sa US kung saan siya nagsasanay bilang miyembro ng Ignite team sa G League.

“Sobrang excited ako sa binigay na opportunity na makapag-laro sa Gilas ngayong February window. Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta at naniniwala na makakapaglaro ako para sa bayan at sa tamang panahon, sa NBA.”

Bagama’t nauna nang ipinahayag ni Sotto noong nakaraang buwan ang kagustuhang maglaro sa Gilas ay nalagay sa ala-nganin ang kanyang availability nang ianunsyo ng G League ang 2021 bubble season nito sa Walt Disney World sa Orlando, Florida sa Pebrero kasabay ng FIBA.

Ito ang magiging unang pagsalang ni Sotto sa Gilas senior team matapos banderahan ang Batang Gilas sa mara-ming FIBA Asia podium finishes at FIBA World Cup appearances sa mga nakalipas na taon bago lumipad sa US para mag-training.

Ngayong linggo inaasahan ang kanyang pag-uwi at makakaliban muna sa unang bahagi ng 17-game debut campaign ng Ignite.

Sa Gilas na haharap kontra sa South Korea at Indonesia sa krusyal na window, makakasama ni Sotto ang PBA stars na sina CJ Perez, Kiefer Ravena, RR Pogoy at Troy Rosario maging ang kapwa cadets na sina Isaac Go, Matt Nieto, Calvin Oftana, Dave Ildefonso at Javi Gomez De Liaño.

Samantala, hindi muna makakasali si Kobe Paras ngayon dahil sa personal na kadahilanan, ayon sa mga ulat, matapos magsilbing malaking bahagi ng koponan noong Nobyembre sa ikalawang window na ginanap sa Bahrain.

Kasalukuyang nagsasanay ang Gilas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, kung saan inaasahan din ang pagdating ng iba pang PBA stars at national team cadets na sina Juan Gomez De Liaño at Dwight Ramos.

Gagabayan sila nina head coach Jong Uichico, program director Tab Baldwin kasama sina Norman Black ng Meralco, Caloy Garcia ng Rain or Shine at TNT assistant Sandy Ares-pacochaga.

 

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with