^

PM Sports

MPBL bubble sa Subic, Clark o Tanay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa Subic, sa Clark, Pampanga o sa Tanay, Rizal ang planong pagdausan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ng bubble para tapusin ang matagal nang na-postpone na Lakan Cup.

Approval na lamang ng  IATF for Emerging Infectious Diseases ang hinihintay ng MPBL para sa kanilang planong bubble.

Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na nagsumite na sila ng proposal sa IATF at Department of Health (DOH) para sa ipatutupad na protocols.

“Sana maaprubahan na tayo ng IATF,” sabi ni Duremdes. “Hopefully ma-approve yung request natin para by third or last week of February, puwede na tayong maka-resume para na rin matapos ang championship.”

Mga professional sports pa lamang ang pinayagan ng IATF na magbalik aksiyon noong October, 2020 at wala pang go-signal ang mga amateur tulad ng MPBL na itinayo ni Sen. Manny Pacquiao, gayundin ang mga collegiate sports.

Apat na teams na lang ang natitira sa Lakan Cup na sinimulan noong June 2019 at natigil noong Marso sa kasagsagan ng finals bunga ng pagputok ng COVID-19 pandemic.

Naglalaban ang defending champions San Juan Knights at Makati Super Crunch sa North Finals at Davao Occidental Tigers kontra sa Basilan Steel sa South Finals sa magkahiwalay na best-of three series na parehong tabla sa 1-1 kung saan ang mga mananalong team ay maghaharap sa  best-of-five National Finals.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with