^

Clarkson year?

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

Maganda ang panimulang ratsada ni NBA Fil-Am player Jordan Clarkson at agad umalingawngaw ang kanyang pangalan bilang matibay na contender para sa Sixth Man of the Year award.

Ipinagsigawan ito ni Utah Jazz star Donovan Mitchell sa kanyang Twitter account.

At ito rin ang lumabas sa power ranking na posted sa NBA.com noong nakaraang araw.

Kahit na off-the-bench player, No. 2 top scorer ng Utah Jazz sa likod ni Mitchell si Clarkson na kumakamada ng career-high average na 17.6 points per game.

Mas matinding level up ang kanyang 42.9-percent three-point shooting. Sa kanyang unang anim na taon sa NBA, never siyang tumikada ng 40 percent pataas.

Karagdagan pa ang 4.7 rebounds at 2.1 assists averages.

Kaya agad siyang umangat sa Sixth Man of the Year race – abante kontra kina Shake Milton ng Philadelphia, Terrence Ross ng Orlando, Chris Boucher ng Toronto, Eric Paschall ng GSW, Patty Mills ng San Antonio, Montrezl Harrell ng LA, LaMelo Ball ng Charlotte, Carmelo Anthony ng Portland at Cameron Johnson ng Phoenix.

Kandidato rin siya last season pero kasama sa mga tinalo ni Harrell.

Pero dahil nadagdagan ang maturity, kumpiyansa at galing, maaaring taon na ito ni Clarkson.

Sana nga!

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with