^
Javi Gomez De Liano pass muna sa PBA Draft
Javi Gomez De Liano

Javi Gomez De Liano pass muna sa PBA Draft

Chris Co (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido si Gilas Cadets member Javi Gomez de Liano na tulungan ang University of the Philippines (UP) na makuha ang kampeonato sa UAAP Season 84 na planong simulan sa Setyembre kaya nagpasya ang 6-foot-5 forward na gamitin ang kanyang final playing year at mag-pass muna sa 2021 PBA Annual Rookie Draft.

Nais ni Gomez de Liano na masuklian ang suportang ibinibigay ng unibersidad gayundin ng buong UP community na buhos ang pagtulong sa kanilang koponan.

“It’s my goal to win a championship for UP before I leave. I’m really grateful for the opportunity that the university has given me, with the support from the coaches, management and community,” ani Gomez de Liano.

Malalim ang listahan ng mga rookie applicants sa taong ito na lampas 40 na dahil nariyan ang ilang Filipino-American players at collegiate standouts kasama pa ang mga naglalaro sa iba’t ibang commercial leagues. Sa Enero 27 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon at sa Marso 14 ang aktuwal na draft.

Kasama si Gomez de Liano sa Gilas Pilipinas sa Gilas pool na kasalukuyang nagsasanay sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with