^

My Dad Bogart nagpasiklab

Nilda Moreno (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng My Dad Bogart ang tikas nito sa rematehan nang manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicap System noong Linggo sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Sa huling 25 metro ng karera naungusan ng My Dad Bogart ang magaling din sa rematehan na Raxa Bago.

Umarangkada sa largahan ang matutulin na Headmastership at Most Trusted habang nasa pang 10 puwesto ang My Dad Bogart na nirendahan ni apprentice rider MP Laloma.

Malakas ang dating ng Raxa Bago at ng winning horse at pagsapit ng huling 100 metro ng laban ay naagaw ng una ang bandera.

Pero patuloy ang pagkayog ng Laloma sa My Dad Bogart at makapigil hininga silang lumampas sa Raxa Bago. Ulo lang ang pagitan ng My Dad Bogart sa Raxa Bago sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Naitala ng My Dad Bogart ang tiyempong 1:30.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ng horseowner ang added prize na P10,000.

 

 

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with