^

PM Sports

2-bigating Fil-Ams nakigulo sa PBA Draft

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalong lumalim ang listahan ng mga aplikante sa 2021 PBA Rookie Draft matapos ang deklarasyon ng dalawang dekalibreng  Filipino-American cagers na sina Taylor Statham at Mikey Williams kahapon.

“Declared for the 2021 PBA Rookie Draft. It’s all in God’s hands now,” ani Statham mula sa California State – San Bernardino para sa draft na nakatakda sa Marso 14.

Kasama sina Statham at Williams sa inaabangang prospects sa bigating draft proceedings bunsod ng kanilang karanasan sa NBA G League, FIBA 3x3 at maraming international leagues.

Naging kakampi ni Statham ang potensyal na No.1 pick na si Joshua Munzon sa unang season ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 at ilang FIBA 3x3 tours matapos ang kanyang stint sa Los Angeles D-Fenders sa G League.

Naglaro rin siya sa Thailand, China, Indonesia at Canada upang maging posibleng first round prospect sa inaasahang hitik sa talentong draft.

Ang produkto naman ng California State – Fullerton na si Williams ay beterano rin ng Sioux Fall Skyforce at Canton Charge sa NBA G League dagdag pa ang stint sa ASEAN Basketball League sa Saigon Heat.

Kinatawan na rin niya ang Mighty Sports Philippines sa William Jones Cup at Dubai International Basketball Tournament bago maglaro para sa Gen San sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Sasamahan nina Statham at Williams sa kargadong draft class ang iba pang 3x3 standouts na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, Santi Santillan at Franky Johnson gayundin ang mga Alab Pilipinas aces na sina Jason Brickman, Jeremiah Gray at Brandon Ganuelas-Rosser.

Kagaya ng ibang Fil-Foreign applicants, kailangan nina Statham ng Bureau of Immigration recognition at Department of Justice affirmation upang maselyuhan ang kanyang citizenship at maging eligible sa draft.

Mayroon pang hanggang Enero 27 ang ibang interesadong talents mula sa UAAP, NCAA, MPBL at overseas upang mag-apply.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with