^

PM Sports

PBA teams puwede nang magbalik-training

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang saglit lang na pahinga, aarangkada na ulit ang ensayo ng mga koponan para sa 46th PBA Season sa Abril.

May go-signal na mula sa Games and Amusement Board sa ilalim ng Joint Administrative Order kasama ang Philippine Sports Commission at Department of Health, ang 12 PBA teams na bumalik sa training simula ngayong linggo.

Subalit bilang dagdag na protocols, kailangan munang humingi ng permiso ang mga koponan sa Local Government Units ng lugar na pagdarausan ng kanilang ensayo na siyang makakasama ng GAB sa pag-inspeksyon sa mga training facilities.

Nasa iba’t ibang siyudad ang training gyms ng mga PBA teams. Sa San Juan-Mandaluyong area ang Magnolia, San Miguel, TNT, Alaska at Rain or Shine habang sa Quezon City ang NorthPort, Blackwater at NLEX.

Sa Parañaque naman ang Terrafirma at sa Pasig ang Phoenix, Meralco at Ginebra.

Mula naman sa hanggang apat na players lang noong nakaraang taon, puwede na hanggang sa limang manlalaro at limang team personnel na binubuo sinuman mula sa coach, trainer at uti-lity na kailangan pa ring sumunod sa mahigpit na protocols.

Hindi pa pinapayagan ang scrimmage sa ngayon dahil nasa General Community Quarantine pa rin ang Metro Manila sa buong Enero subalit ang maagang training na ito ay magbibigay ng mas matagal na paghahanda para sa pagbubukas ng 2021 Season sa Abril 9.

Samantala, inaasahan na rin ang pagpasok ng ikalawang batch ng Gilas Pilipinas trainees nga-yong linggo na binubuo ng PBA stars sa Ins-pire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with