PATAFA umaasang lalarga ang Athletics bubble sa January 25
MANILA, Philippines — Umaasa ang Philippine Athletics Track and Field Association na makukuha na ang government approval ng kanilang training camp sa New Clark City sa Capas, Tarlac sa Jan. 25.
Kahapon sana ang simula ng Capas bubble ngunit napilitan ang PATAFA na iurong ito sa susunod na linggo dahil ang Athletes’ Village kung saan titira ang 26-member delegation ay ginamit na quarantine area para sa mga overseas Filipino workers.
Planong gamitin na lang ang Residences area, na may 100 meters ang layo sa Village na tawid lang din ng track oval na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games track and field event.
“We’re still waiting for approval from the IATF but we were assured by Vince Dizon of BCDA that it will be approved,” ani PATAFA secretary-general Renato Unso.
- Latest