^
Perez, Chua pumasok sa Gilas bubble
CJ Perez at Justin Chua

Perez, Chua pumasok sa Gilas bubble

Chris Co (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumasok na rin sa bubble sina CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix Fuel Masters upang makasama ang Gilas Pilipinas pool na naghahanda para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na naka-schedule sa susunod na buwan.

Nakapag-post pa si Perez ng entrada ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sa kanyang social media account bago ito pormal na pumasok sa pasilidad.

Hindi pa agad makakapag-ensayo sina Perez at Chua dahil sasailalim pa ang dalawa sa swab testing at quarantine.

Sa oras na lumabas ang negatibong resulta, saka lamang sila pahihintulutang makalabas sa kanilang kuwarto para makasama ang Gilas pool.

Mas mahigpit ang SBP sa health protocols ngayon lao pa’t may mas matin-ding strain ng coronavirus disease (COVID-19) na nakapasok sa bansa.

Masaya ang SBP dahil karamihan sa kanilang inimbitahan ay nagkumpirma ng partisipasyon sa training para sa third window na tatakbo mula Pebrero 17 hanggang 22 sa Clark, Pampanga.

Ngunit inamin ni PBA commissioner Willie Marcial na may ilang PBA players na nasa wish list ng SBP ang tumanggi dahil sa magkakaibang dahilan tulad ng pagpapagaling sa injury at personal matters naman ang rason ng iba.

“Nag-beg off ’yung iba kasi injured,” ani Marcial.

Inirerespeto naman ng SBP ang desisyon ng ilang players na nagpasyang lumiban sa pagkatataong ito.

Sa oras na maayos na ang lahat, ilalabas ng SBP ang kumpletong listahan ng mga PBA players na papasok sa bubble.

Nauna na sa Calamba bubble ang Gilas Cadets kasama si Gilas Pilipinas team captain Kiefer Ravena ng NLEX Road Warriors.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with