^
PBA Best Player of the Conference ihahayag ngayon
Parks Jr, Pringle at Wright

PBA Best Player of the Conference ihahayag ngayon

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kikilalanin ngayon sa kauna-una-hanahang virtual PBA Awards Night ang pinakamagigilas na manlalaro mula sa makasaysayang 45th PBA Season sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.

Lalarga ang seremonya na gaganapin online kung saan nasa kanya-kanyang tahanan ang lahat simula alas-6 ng gabi para igawad ang limang parangal tampok ang Best Player of the Conference.

Mahigpit ang labanan sa BPC nina Ray Parks Jr. ng TNT, Stanley Pringle ng Ginebra at Matthew Wright  ng Phoenix bukod pa kina Roger Pogoy ng TNT, CJ Perez ng Terrafirma, at Calvin Abueva ng Phoenix. Maglalaban naman sa Outstan­ding Rookie sina Aaron Black ng Meralco, Arvin Tolentino ng Gin Kings, Barkley Ebona ng Alaska, Roosevelt Adams ng Dyip at Aris Dionisio ng Magnolia.

Dikdikan din ang labanan sa Most Improved Player sa pagitan nina Reynel Hugnatan ng Meralco, Prince Caperal ng Ginebra, Javee Mocon ng Rain or Shine, Raoul Soyud ng NLEX, Jason Perkins at Justin Chua ng Fuel Masters.

Nominado naman sa Samboy Lim Sportsmanship Award sina Scottie Thompson ng Gin Kings, Gabe Norwood ng Elasto Painters, Kevin Alas ng Road Warriors, Perez ng Dyip at Abueva.

Bilang kapalit ng Mythical Team ay igagawad ng PBA ang Elite Five na bubuuin ng dalawang backcourt at tatlong frontcourt players na nagpakita ng anking galing sa bubble.

Ipapalabas ang PBA Awards Night sa TV5 mula sa broadcast studio sa Mandaluyong City kung saan dadalo ang limitadong mga opisyal sa pangunguna ni Commissioner Willie Marcial sa ilalim ng mahigpit na protocols.

Bagama’t isang conference lang na 2020 Philippine Cup ang naidaos ng PBA sa nagdaang taon sa gitna ng pandemya, magbibigay ng parangal ang liga bilang sukli sa sakripisyo ng mga lumaro sa bubble.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with