^

Boston nalo sa pagbabalik sa court

(Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

BOSTON — Nagposte si guard Jaylen Brown ng 21 points at 8 assists, habang may 18 markers si Semi Ojeleye para tulungan ang Celtics sa 124-97 paggupo sa Orlando Magic.

Ito ang unang pagtapak ng Boston sa hardcourt matapos ma-postpone ang huli nilang tatlong laro dahil ilang players ang nagpositibo sa COVID-19, habang ang iba ay dahil sa contact tracing.

“It felt good. Obviously this COVID and this pandemic has affected not just us but every team in this league. Everyone is doing the best they can to cope with it and handle it,” sabi ni Celtics guard Marcus Smart.

Dumiretso ang Boston sa kanilang pang-limang sunod na ratsada para sa 8-3 record habang nahulog ang kartada ng Orlando sa 6-6.

Pinamunuan ni Aaron Gordon ang Magic sa kanyang 17 points at may tig-15 markers sina Nik Vucevic, Dwayne Bacon at Cole Anthony.

Sa Milwaukee, humataw si Khris Middleton ng walo sa kanyang 25 points sa huling dalawang minuto ng laro para sa 112-109 pagtakas ng Bucks (9-4) laban sa Dallas Mavericks (6-5).

Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 31 points para sa ikaapat na dikit na pananalasa ng Milwaukee kasabay ng pagpigil sa four-game winning streak ng Dallas.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with