^

FIBA qualifiers nanganganib

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makikipagtulungan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Inter-Agency Task Force sa karampatang hakbang para sa nalalapit na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers third window hosting ng Pinas matapos palawigin ang travel ban ngayon bunsod ng bagong COVID-19 variant.

Ayon kasi sa anunsyo ng Malacañang kahapon, napalawig ang travel restrictions sa 32 bansa hanggang Enero 31 matapos makumpirma ang unang kaso ng B117 SARS-Cov-2 variant sa bansa kamakalawa.

Hindi maaalis ang posibilidad na mae-extend uli ito pagdating ng katapusan ng buwan na maglalagay sa alanganin sa FIBA hosting ng bansa sa Pebrero 18-22 sa loob ng Clark bubble sa Pampanga.

“We’re working with IATF to be properly guided,” ani SBP president Al Panlilio.

Kabilang sa mga bansang nasa travel restrictions ay ang Australia, Hong Kong at South Korea na maglalaro dito sa susunod na buwan.

Nasa Group C ang Australia at Hong Kong kasama ang New Zealand at Guam habang kagrupo ng Pilipinas ang South Korea sa Group A gayundin ang Thailand at Indonesia.

Nauna nang pinayagan ng IATF ang SBP noong nakaraang taon na magsagawa ng torneo sa ilalim ng mahigpit na protocols kagaya ng ginawa ng PBA matapos itong mapiling host ng huling window ng Asia Cup Qualifiers.

Sa ngayon, tanging paghihintay na lang muna ang magagawa ng SBP sa mga susunod na hakbang ng bansa laban sa pagkalat ng bagong COVID-19 variant, na mas nakakahawa kaysa sa orihinal na virus, ayon sa mga pag-aaral.

Sa kabila nito, tuloy ang paghahanda ng pederasyon sa Quest Hotel at Angeles University Foundation Sports and Cultural Center bilang venues  ng FIBA Qualifiers.

Lumarga na rin ang unang batch ng Nationals sa pangunguna ni Kiefer Ravena ng NLEX kasama ang mga Gilas cadets sa training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa maagang preparasyon.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with