^
Harden-less Rockets nalo sa Spurs

Harden-less Rockets nalo sa Spurs

(Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

SAN ANTONIO — Sa unang game ng Houston Rockets na wala si superstar James Harden ay umiskor sila ng panalo nang kumolekta si Christian Wood ng 27 points at 15 rebounds para sa 109-105 win ng Rockets sa Spurs.

“It was fun. It was really cool stuff,” wika ni Houston first-year coach Stephen Silas, isang araw matapos ang blockbuster four-team trade na nagdala kay Harden sa Brooklyn Nets na sa Sabado pa lalaro.

Naglaro rin ang Rockets (4-6), nakahugot kay Sterling Brown ng 23 points, 7 rebounds at 3 assists, habang nagtala si Jae’Sean Tate ng 13 points,  10 assists at 5 boards,  na wala sina injured guards John Wall at Eric Gordon.

“We had a team meeting after that last game against the Lakers and we drew the line there,” sabi ni Tate na sumalo sa naiwang posisyon ni Harden. “Everybody has so much to prove.”

Pinamunuan ni forward Keldon Johnson ang San Antonio (6-6) sa kanyang career-high 29 points at nagdagdag si Lonnie Walker IV ng 16 points.

Sa Philadelphia, kumolekta si Ben Simmons ng triple-double sa kanyang tinapos na 10 points, 10 assists at 12 rebounds at nagbalik si Shake Milton mula sa COVID-related issues para umiskor ng 31 points sa 125-108 panalo ng 76ers (9-4) kontra sa Miami Heat (4-6).

Wala sa line-up ng Heat sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Goran Dragic dahil sa virus-related issues.

HOUSTON ROCKETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with