^

Darating kaya si Ratliffe

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 15, 2021 - 12:00am

Malaking katanungan kasunod ng kung sinu-sino ang bubuo ng Gilas Pilipinas official lineup eh kung darating ba ang South Korea na kasama ang pambatong naturalized player na si Ricardo Ratliffe.

Llamado ang South Korea kung mapaparating nila si Ratliffe sa Window 3 ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Kahit wala si Ratliffe na kilala rin sa pangalang Ra Guna sa FIBA circle, madaling inilampaso ng mga Koreano sa dalawang laro ang Thailand sa Window 2 noong Nobyembre sa Manama, Bahrain.

Dahil hindi lumaro sa Window 1, mabigat na sked ang dadaanan ng Korea sa Clark bubble, kasama ang dalawang laro kontra sa Gilas sa Feb. 18 at Feb. 22.

Sa huling Phl-Korea matchup na nilaro sa ating bansa noong 2013 FIBA Asia Cup, nanaig ang Team Phl at ito ang naging susi sa muling paglalaro ng Pinas sa World Cup noong 2014 sa Spain. Agad namang bumawi ang Korea noong 2014 Asian Games sa Incheon.

Sa kasunod na Asian Games sa Jakarta noong 2018, muling nanaig ang Korea sa pangunguna ni Ratliffe.

Magandang salpukan iyon, kung saan nanguna naman para sa Gilas si Jordan Clarkson.

Kasunod na tour of duty ni Ratliffe sa Korea ang 2019 World Cup sa China kung saan lumutang siya bilang scoring at rebounding king.

Kaya kung darating si Ratliffe, siguradong mala-king sakit ng ulo siya para kay coach Jong Uichico at sa Gilas team.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with