^

Durant, Antetokounmpo humataw

(Pang-masa) - January 15, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Sa pagdating ni James Harden sa Brooklyn at ang inaasahang paglalaro ni Kyrie Irving ay nanatiling focus si Kevin Durant sa kanyang misyon.

“We really wanted this game tonight and everybody played like that,” sabi ni Durant matapos humataw ng 26 points para tulungan ang Nets sa 116-109 paggupo sa Knicks.

Pinamunuan ni Durant, nagmula sa isang surgery para ayusin ang kanyang Achilles tendon, ang anim pang Nets players na umiskor ng double figures.

Nagdagdag sina Joe Harris at Bruce Brown ng tig-15 points para sa Brooklyn (7-6) na naglunsad ng 15-2 atake sa pagtatapos ng first half patungo sa pagdaig sa New York (5-7).

Sa Detroit, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng triple-double sa kanyang 22 points, 10 rebounds at 10 assists para banderahan ang Milwaukee Bucks (8-4) sa 110-101 panalo sa Pistons (2-9).

Sa Oklahoma City, kumamada si LeBron James ng 26 points at inangkin ng nagdedepensang Los Angeles Lakers (10-3) ang 128-99 tagumpay sa Thunder (5-6).

Ito ang franchise-record na pang-pitong sunod na road victory ng Lakers.

Samantala, sa 497 players na sumailalim sa COVID-19 testing simula noong Enero 6 ay 16  ang naglabas ng positive result.

Ang sinumang magpositibo sa COVID-19 test o natukoy bilang close contact ng isang infected person ay inilalagay sa isolation o quarantine hangga’t hindi sila nakakapasa sa health and safety protocol ng NBA at Players Association.

KEVIN DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with