Terrafirma todo na sa kanilang No. 1 pick
Johnedel Cardel

Terrafirma todo na sa kanilang No. 1 pick

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangang manimbang ng maigi ang Terrafirma sa kanilang kukuning top pick sa 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14 na magiging katulong nina  CJ Perez at Roosevelt Adams.

“Malaking addition sa amin itong top pick. Kung hindi namin makuha ‘yung kailangan namin, kukunin namin ‘yung best talent,” ani Terrafirma coach Johnedel Cardel sa bigating draft class ngayong taon.

Sinasabing hitik sa talento ang draft pool ngayong taon na gagawing ‘virtual o online’ dahil sa pandemya ngunit isang matinding pick lang ang kailangan ng Dyip.

“Malalim itong trade na ito. Ang problema, first round lang kami. Wala kaming second round picks kaya kailangan ‘yung makuha namin, worth it talaga na makakatulong sa amin,” dagdag ni Cardel matapos ang 1-10 baraha ng Dyip sa 45th PBA Season sa Pampanga bubble.

Para sa Dyip, magiging mahalagang piyesa kung sinoman ang makukuha nila sa binubuong ‘future team’ matapos silang mabiyayaan ng tatlong sunod na top overall picks.

Nakuha ng Terrafirma sina Perez at Adams bilang numero unong picks noong 2018 at 2019 draft, ayon sa pagkakasunod, bukod pa kay Isaac Go na special pick ng koponan na ipinahiram muna sa Gilas.

Wala pang binanggit na pangalan si Cardel subalit posibleng isa kina Joshua Munzon, Jamie Malonzo, Alvin Pasaol o Larry Muyang na mga maugong na top prospects sa draft pool na inaasa-hang dagsa matapos tanggalin ang requirement na paglalaro sa PBA D-League.

Wala pang pa ringnagpaparamdam sa Dyip ng posibleng trade ayon kay Cardel .

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with