Lakers dinomina ang Rockets
LeBron James at James Harden

Lakers dinomina ang Rockets

(Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

HOUSTON — Humataw si LeBron James ng 26 points sa loob ng tatlong quarters at dinomina ng nagdedepensang Los Angeles Lakers ang Rockets, 117-100 para pamunuan ang Western Conference.

Nagtala si Anthony Davis ng 19 points at 10 rebounds para sa ikala-wang sunod na pagpapabagsak ng Lakers (9-3) sa Houston (3-6) matapos kunin ang 120-102 panalo nong Linggo.

“We played some brilliant basketball in stretches in both of the last two games and in particular in the first half tonight,” sabi ni head coach Frank Vogel. “Our defense was really tight with our execution and containment.”

Nagposte ang Lakers ng 20-point lead sa halos kabuuan ng laro sa gabi kung saan naglista si James Harden ng mahinang 5-of-16 fieldgoals para sa Rockets.

Tumapos si Harden na may 16 markers.

Sa Philadelphia, nagposte si Joel Embiid ng 45 points at 16 rebounds habang isinalpak ni Dakota Mathias ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 26.1 segundo para ilusot ang 137-134 overtime win ng 76ers (8-4) laban sa Miami Heat  (4-5).

Hindi naglaro sina Heat stars Jimmy Butler, Bam Adebayo at Goran Dragic dahil sa NBA health and safety protocol.

Sa New York, kumamada si Kevin Durant ng 34 points, 13 assists at 9 rebounds para tulungan ang Brooklyn Nets (6-6) na makabangon mula sa 18-point deficit at agawin ang 122-116 tagumpay sa Denver Nuggets (5-6).

Nagdagdag sina Caris LeVert at Bruce Brown ng 20-markers at season-high 16 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa Cleveland, nagpa-sabog si Donovan Mit-chell ng 27 points para ihatid ang Utah Jazz (7-4) sa 117-87 paggiba sa Cavaliers (5-7).

Umiskor si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 21 points at may 20 markers si Bojan Bogdanovic para sa Jazz.

Sa Oklahoma City, naglista si Lonnie Walker IV ng 24 points para igiya ang San Antonio Spurs (6-5) sa 112-102 pagdaig sa Thunder (5-5).

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with