2-NBA protocols pinag-ibayo
Kyrie Irving

2-NBA protocols pinag-ibayo

(Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Pinag-ibayo ng NBA at ng players union ang kanilang coronavirus disease (COVID-19) health and safety protocols dahil sa pagtaas ng bilang ng mga positive tests at pagdami ng mga game postponements.

Ipinagpaliban ang home game ng Washington Wizards laban sa Utah Jazz dahil sa contact tracing.

Ito ang ikaanim na laro na ipinostpone ng liga sa unang tatlong linggo ng kanilang season.

Dahil sa contact tracing sa mga players ng Wizards ay imposible silang makapagpalaro ng kinakailangang walong players laban sa Jazz.

Bago ito, na-postpone ang bakbakan ng Boston Celtics at Orlando Magic at ang pagsagupa ng Celtics sa Chicago dahil sa contact tracing.

Samantala, iniimbestigahan naman ng Brooklyn Nets at ng NBA ang isang video ni Kyrie Irving kung saan nakitang wala itong suot na face mask sa isang pagtitipon kasama ang mga kapamilya na maaaring may paglabag sa protocols ng liga.

Apat na laro nang hindi sumasalang si Irving at personal ang sinasabing dahilan.

Inihayag ng NBA at ng National Basketball Players Association ang istriktong pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga players dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa United States.

Sa inilabas na bagong patakaran ay dapat manatili ang mga players at team staffers sa kanilang mga tahanan kapag maglalaro sila ng home game. Maaari lamang silang lumabas para sa team-related activities.

Kapag nasa biyahe, bawal umalis ang mga players at team staff ng hotel maliban sa mga team activities o emergencies.

 

KYRIE IRVING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with