Olympics at SEA Games na lang ang kailangang paghandaan

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay nagpasya ang mga organizers na iatras ang pagdaraos ng Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) at Asian Beach Games.

Sinabi ni Team Philippines Chef De Mission Richard Lim ng karatedo na isasagawa ang AIMAG sa Enero o Hunyo ng susunod na taon mula sa orihinal na petsang Mayo 21-30, 2021 sa Thailand.

Ilulunsad sana sa AIMAG ang mga non-martial events kagaya ng badminton, BMX, cycling, cheerleading, floorball, indoor rowing, netball, shooting at volleyball.

Iniurong din ang pagdaraos ng Asian Beach Games na inisyal na itinakda sa Abril 2-10, 2021 sa China, dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil sa pagkaurong ng AIMAG at Asian Beach Games ay maaari nang pagtuunan ng atensiyon ng mga national athletes ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 at ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

Nauna nang iniatras ang Tokyo Olympics, itinakda noong Hulyo ng nakaraang taon, dahil sa pandemya.

Sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang nakakakuha ng Olympic berth.

Ipapasok ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga national teams ng boxing, ­taekwondo at karatedo sa isang ‘bubble’ training sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna si­mula sa Enero 16 para sa kanilang mga lalahukang Olympic qualifying tournaments.

 

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with