2-laban target ni Pacquiao na salangan ngayong taon

Chris Co (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ni Pinoy boxing legend Manny Pacquiao sina Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor at reigning International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight champion Errol Spence sa kanyang planong dalawang laban sa taong ito.

Mismong ang eight-division world champion na ang nagkumpirma na numero unong prayoridad nito sina McGregor at Spence sa pagbabalik-aksiyon nito sa 2021 matapos mabigong makasalang noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

Nasa unahan ng listahan si McGregor.

Una nang inihayag ng kampo ni Pacquiao ang interes nito noon pang nakaraang taon ngunit may isang kundisyon-- kailangang co-promoter ang Pac Sports and Entertainment na kanyang pag-aari.

Maliban dito, inihayag din ni Pacquiao na malaking bahagi ng kikitain nito sa laban ay ibabahagi sa pagtulong sa mga kababayan nitong naapektuhan ng pandemya.

“Sila ang options ko pero sa ngayon gusto ko ma-experience na makalaban ang isang mixed martial artist. Big portion din ng kikitain ay ido-donate ko sa mga kababayan natin na biktima ng COVID-19,” ani Pacquiao.

Planong ikasa ang Pacquiao-McGregor fight sa Middle East. Target din ni Pacquiao na maikasa ang unification bout kontra kay Spence.

Napanood ni Pacquiao ang laban ni Spence nang makuha nito ang unanimous decision win kay Danny Garcia para matagumpay na madepensahan ang WBC at IBF belts noong Disyembre.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with