^
Embiid sinapawan ang 6o-pts. ni Beal

Embiid sinapawan ang 6o-pts. ni Beal

(Pang-masa) - January 8, 2021 - 12:00am

PHILADELPHIA — Isinalpak ni Washington Wizards guard Bradley Beal ang kanyang free throw sa dulo ng final canto para sa record-tying 60 points.

Ngunit mas nangibabaw ang dominasyon ni 7-foot-2 star center Joel Embiid para sa 141-136 paggupo ng 76ers laban sa Wizards at ilista ang bumabanderang 7-1 baraha.

Umiskor si Embiid ng 38 points para pamunuan ang pagsapaw ng Philadelphia sa unang career 60-point game ni Beal sa panig ng Washington (2-6). “They pay me to take over the game, and they pay me to dominate,” ani Embiid.

Nabigong pantayan o lampasan ni Beal ang kinamadang career-high 62 markers ni Stephen Curry para sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Portland Trail Blazers noong Linggo. “I put it on myself to close it out,” aniya. “I’ve got to be better.”

Nagdagdag naman si Seth Curry ng 28 poins tampok ang anim na sunod na 3-pointers sa first half para sa 76ers habang may 19 si Tobias Harris at 17 si Ben Simmons.

Sa Orlando, tinalo ng Magic ang Cleveland Cavaliers, 105-94, tampok ang 20 points ni Terrence Ross habang may 19 markers si Dwayne Bacon.

May 16 points, 7 rebounds at 6 assists si Nikola Vucevic para sa pagpapatumba ng Magic (6-2) sa Cavaliers (4-4).

Sa Milwaukee, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 25 points at may 23 markers si Khris Middleton para sa 130-115 pagdaig ng Bucks (5-3) sa Detroit Pistons (1-7).

Sa Miami, isinalpak ni rookie guard Payton Pritchard ang putback sa huling segundo ng laro para tulungan ang Boston Celtics (6-3) sa 107-105 pagtakas sa Heat (3-4).

 

JOEL EMBIID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with