^

Mundo ng coaching

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 8, 2021 - 12:00am

Mula sa pagiging PBL grand slam coach, umakyat na head coach sa PBA, naging team manager, at nga-yon ay tangan ang tatlong premyadong koponan bilang sports chief ng higanteng San Miguel Corp.

Eto ang karerang tinahak ni dating Letran Squire at UST Glowing Goldie Alfrancis Chua.

Bilang SMC sports director, mabigat din ang tinig ni Erap Al sa PBA board. Pero ang sabi nga: “A coach will always be a coach.”

Kapado pa rin niya ang coaching at walang dudang nakakatulong siya kina coaches Tim Cone (Ginebra), Leo Austria (San Miguel) at Chito Victolero (Magnolia) sa dagdag niyang pagbasa sa mga laban ganoon din sa pagbuo ng kanilang mga koponan.

“I think I can do better in this position because I’ve been there before, so I can feel, I can see kung ano ang kailangan ng players at coaches,” ani Erap Al.

Syempre, alam niya ang karera ng pagiging coach.

“Dalawa lang ‘yan, tinanggal at tatanggalin,” aniya (na may ngiti) sa masalimuot na katayuan ng mga coaches. May iba na ‘di nananalo, ‘pag tinanggal mo, masama ang loob. Pero, teka ang usapan natin eh paramihan ng panalo at ‘di ng talo.”

“Nanalo ka today, mag-celebrate ka nanalo ka nung oras lang na ‘yon. And then you plan right away para sa susunod na kalaban mo,” dagdag pa niya. “Ang coaching, mag-champion ka today, natalo ka sa susunod at natalo ka pa uli, ‘yun panalo mo not counted na. Kaka-champion mo lang, tapos na-out ka ng elimination, then na-out ka pa uli, makakalimutan na ng mga tao ‘yung championship mo.”

Totoo nga naman!

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with