^
Valdez versus Reyes mapapanood sa PVL?
Alyssa Valdez at Mika Reyes

Valdez versus Reyes mapapanood sa PVL?

Chris Co (Pang-masa) - January 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng lumundag sa Premier Volleyball League (PVL) ang Sta. Lucia Lady Realtors na isa sa regular members ng Philippine Superliga.

Balita sa social media na pinaplantsa na ang paglipat ng Lady Realtors sa PVL na kauna-unahang professional volleyball league sa bansa kaya usap-usapan ang napipintong pagtutuos nina Sta. Lucia middle blocker Mika Reyes at Creamline skipper Alyssa Valdez.

Mainit ang salpukan nina Reyes (De La Salle University) at Valdez (Ateneo de Manila University) na nag-ugat sa UAAP kung saan makailang ulit na nagtagpo sa finals ang kani-kanyang koponan.

Napunta rin sa Sta. Lucia ang mga dating PetroGazz players na sina Jonah Sabete, Jovielyn Prado at Maricar Nepomuceno-Baloaloa.

Target na simulan ang PVL sa Abril 10 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kung saan puntirya ng mga organizers na hanggang walong koponan lamang ang papasok sa bubble.

Anim na koponan na ang kumpirmadong lalahok - ang reigning Open Conference champion Creamline, 2019 Reinforced Conferenc titlist PetroGazz, Motolite, BanKo Perlas, Choco Mucho at Bali Pure-Chef’s Classic.

Dalawang koponan pa ang inaasahang madaragdag kabilang na ang posibleng pagpasok ng Sta. Lucia at isang guest team mula sa military.

 

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with