^

Shuffle, pacing

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 5, 2021 - 12:00am

Sa pagbalik tanaw sa nakalipas na PBA bubble play, malinaw kay Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua na kalusugan at fitness ang naging determining factor sa labanan sa kampeonato.

Aniya, biglang lumamang ang Gin Kings sa rambol ng nagkaroon ng play stoppage at na-compress lalo ang game sked.

“Noong umpisa, hindi namin inaasahan na kami ang magtsa-champion. Pero noong nagkadikit-dikit na ang laro, sabi ko kay (Ginebra coach) Tim (Cone), champion tayo dito,” ani Chua.

“Sa umpisa, ang lahat, tingin lamang ang TNT dahil nag-training sila sa sariling bubble. Pero malaking bagay noong nawalan sila ng dalawang key players,” sabi pa ni Chua patungkol sa pagkawala nila Jayson Castro at Bobby Ray Parks.

Maraming iba pang koponan na ginapi ng injuries gaya ng Phoenix Pulse, San Miguel Beer, NorthPort at NLEX.

“Mahirap talaga ’yung bubble, lalo na noong sumikip ang schedule. ‘Yun ngang mga nagyeyelo ng injury, hindi pa natutunaw ’yong yelo, ayan na uli ­’yung susunod na laro,” ani Chua, sa pagdiin ng sikip ng schedule.

Lumamang si Cone dahil maganda ang pa-cing niya ng kanyang mga players.

Binigyang ng pahinga ang mga pla­yers na kailangan ng pahinga.

Pagdating ng crunch time, intact at loaded pa rin ang kanyang koponan.

Natapos na muk­hang fresh pa rin ang lahat at kaya pang manatiling lumaro ng ilang games sa loob ng bubble.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with