^
76ers dinungisan ang Magic
Joel Embiid

76ers dinungisan ang Magic

(Pang-masa) - January 2, 2021 - 12:00am

ORLANDO, Fla. — Ipinalasap ng Philadelphia 76ers ang unang kabiguan ng Magic sa season matapos kunin ang 116-92 panalo tampok ang paghakot ni center Joel Embiid ng 21 points at 9 rebounds.

Ito ang unang pagkatalo ng Orlando matapos ipos­te ang 4-0 start sa unang pagkakataon sa kanilang franchise history.

Nagsalpak ang Philadelphia, pang-27 sa NBA sa three-point accuracy, ng walo sa una nilang 12 attempts sa 3-point range para itayo ang 37-point lead sa first half.

Sa kabuuan ay kumonekta ang 76ers ng season-high 15 triples laban sa Magic.

“Tonight, we did a good job of moving that ball around and mixing it up with 3-point shots off the double teams and driving the basketball,’’ ani Seth Curry na nagdag­dag ng 21 points kasama ang limang tres at may 20 markers si Tobias Harris para sa Philadelphia (4-1).

Sa Houston, naglista si John Wall ng 22 points at 9 assists sa kanyang unang laro sapul noong 2018 at humataw si James Harden ng 33 points, 8 assists at 6 rebounds para igiya ang Rockets sa 122-119 paggupo sa Sacramento Kings.

Nagbalik sa line-up ng Houston sina Wall, DeMarcus Cousins at Eric Gordon matapos sumailalim sa COVID-19 health and safety protocols.

Pinamunuan ni Harrison Barnes ang Sacramento sa kanyang 24 points kasunod ang tig-22 markers nina De’Aaron Fox at Richaun Holmes.

Sa Washington, umiskor si Otto Porter ng 28 points at may 22 markers si Zach LaVine para tulungan ang Chicago Bulls, naglaro na wala ang apat na players dahil sa NBA health and safety protocol, na talunin ang Wizards 133-130.

Itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ikaapat na sunod na triple-double para sa Washington sa tinapos na 22 points, 10 rebounds at 11 assists.

JOEL EMBIID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with