^

New year’s wish

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 1, 2021 - 12:00am

COVID-19, humupa ka at mamahinga na!

‘Yan ang walang dudang No. 1 na kahilingan ng mga tao sa buong mundo sa pagpasok ng 2021.

Bilang sportswriter, ito rin ang aking No. 1 wish kasama ang hindi na madiskaril pa ang Tokyo Olympics sa July.

Kumpiyansa kasi ako na lehitimo ang tsansa ng Team Philippines na, finally, eh masungkit ang unang medalyang ginto sa quadrennial games.

Nariyan si Carlos Yulo na world No. 1 sa floor exercise sa gymnastics. Lagi naman contenders ang ating mga boxers at may tsansa ring tumuntong sa podium sina weightlifters Hidilyn Diaz at pole-vaulter EJ Obiena.

Money leader si Yuka Saso sa Japan LPGA. At dahil nakabase sa Japan, maaaring magbabad sa Olympic golf venue at umani ng virtual homecourt advantage na puwedeng ma-translate sa Olympic glory.

Kaya nga lamang, nananatiling peligro ang pesteng virus.

***

Kung hindi na-lockdown, malamang na busy na sa pagbabalot ng kanyang pangregalo ang beteranong sports photographer na si Tony Lu.

Kilala si Tony na mabait, mapagbigay at matulungin kahit na sa maliit na kaparaanan. Pero dahil nadiskaril ang trabaho, kasama siya sa mga na-ngangailangan ng ayuda.

Ang siste, kahit sa barangay niya sa Caloocan (Brgy. 105) eh hindi raw siya maka-tanggap ng tulong.

 

NEW YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with