^

Gilas bumubuo ng pundasyon

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 22, 2020 - 12:00am

Kumbinasyon ng gung-ho games nina Ranidel de Ocampo at Marc Pingris sa ilalim at mainit na outside shooting nina Jimmy Alapag at Jayson Castro ang kinailangan ng Gilas para talunin ang South Korea sa kanilang sagupaan sa FIBA Asia Championship noong 2013.

Malaking papel din ang mainit na suporta noon ng home crowd sa MOA Arena.

Bago at pagkatapos ng memorableng gabi na ‘yon, mahabang panahon na tigang sa panalo ang Team Phl kontra sa kanilang mabigat na contrapelo sa Asian basketball.

Hangarin ng Gilas na muling putulin ang losing streak kontra  sa Korea sa kanilang paghaharap sa Window 3 ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark sa Pebrero.

Ang tanong ay makabuo kaya si national team program director Tab Baldwin ng mix na makakatapat sa bagsik ng Korea.

Sino ang mga PBA players na isasama sa Gilas cadets upang magtimon sa kanilang Clark matches kung saan dalawang beses nilang haharapin ang Korea at isang beses ang Rajko Toroman-mentored Indonesian team?

Actually, pasok na ang isang paa ng Gilas sa Asia Cup proper dahil sa 3-0 kartada sa Group A. Pero malaki ang maitutulong para  i-boost ang momentum at overall program ng Gilas kung tatalunin ang Korea.

Nasa proseso ang Gilas sa pagbuo ng matatag na national pool at sistema tungo sa hangaring makapagpakita ng maganda sa 2023 FIBA World Cup na i-ho-host ng bansa kasama ang Japan at Indonesia.

Hangarin din na makapagtanim ng magandang showing sa Asia Cup na idaraos Aug. 16-28, 2021 sa Indonesia.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with