^

Olympic gold hope

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 18, 2020 - 12:00am

Matatag ang pag-asa ng Japan na hindi na mapi-pigil ang kanilang hosting ng Olympics sa parating na July, 2021.

Tinawag ni Tokyo Gov. Yuriko Koike na “ray of hope” ang pamamahagi ng vaccines kontra sa COVID-19 na nagdiskaril sa original sked ng Tokyo Games.

Noong Martes, nagningning sa kulay ginto ang Tokyo Skytree (pinakamataas na tower sa Japan), hudyat sa nalalapit na Olympic torch relay na iikot sa buong bansa at kapapalooban ng 10,000 runners.

Sa Pilipinas naman, ibinigay na ng gobyerno ang green light sa training ng national athletes na sasabak sa Olympics o Olympic qualifying events.

Umaasa rin ang mga opisyales natin na hindi na mapigil pa ang Tokyo Games kung saan mukhang may legitimate chance ang bansa na masungkit ang unang medalyang ginto.

Medal contenders sina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Caloy Yulo, pole-vaulter EJ Obiena at bo-xers Eumir Marcial at Irish Magno.

 Maaari ring manggulat si Yuka Saso – bagay na ginagawa na niya sa Japan LPGA at kahit na sa unang arangkada ng katatapos na US Women’s Open. Pero kailangan munang masigurong mapuksa ang COVID-19.

Noong mga nagdaang araw, nakaramdam ang Japan ng infections spike.

Nagtala sila ng 3,041 cases noong Sabado – unang pagkakataon na nilagpasan nila ang 3,000 mark.

Kaya dapat dumating at tumalab ang bakuna.

OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with