^

Babalik si Slaughter

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 15, 2020 - 12:00am

Makailang beses nang ipinahayag ni Ginebra coach Tim Cone ang mithiin at kumpiyansa na mu­ling makikita sa kanyang koponan si Greg Slaughter.

Mahaba na ang sabbatical ni Slaughter mula nang magdesisyong lumipad sa United States kung saan kumuha siya ng personal coach para sa personal training.

Ibig sabihin, mananatili siya sa paglalaro.

At dahil pumasok sa pag-aasawa ilang araw pa lamang ang nakakaraan, kailangan niyang itaguyod ang kanilang buhay at mag-hanapbuhay.

Kaya hindi ako magugulat kung sa mga susunod na araw eh balik-Ginebra na ang 7-foot-2 giant.

Kung may sama siya ng loob kanino man o kung saan man, maaaring naghilom na ito sa paglipas ng ilang buwan na pamamalagi sa US.

Naibulalas na rin naman niya na hindi niya sinasarado ang pintuan sa posibleng pagbabalik sa Ginebra.

Abril pa ang target ng PBA sa pagbubukas ng kanilang Season 46.

Sa panahon na ‘yan, malamang kasama na uli nina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Stanley Pringle at Scottie Thompson si Slaughter upang pangunahan ang kampanya ng Ginebra para sa back-to-back all-Filipino title run.

“We’ll take it while we can and hopefully we’ll get Greg (Slaughter) back at some point and June Mar (Fajardo) will come back (for San Miguel Beer), and we’ll be able to battle them toe-to-toe,” ani Cone.

GREG SLAUGHTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with