^
Hidilyn Diaz desidido

Hidilyn Diaz desidido

Chris Co (Pang-masa) - December 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa tangka nitong makuha ang gintong medalya sa Tokyo Olympics na idaraos sa susunod na taon.

Kaya naman handa itong dumayo sa Tashkent, Uzbekistan para magpartisipa sa 2021 Asian Weightlifting Championships upang maipormalisa ang tiket nito sa Tokyo Olympics.

Sa katunayan, kuwalipikado na Diaz sa Olympics.

Tanging ang Top 8 weightlifters lamang sa world ranking ng International Weightlifting Federation (IWF) ang mabibiyayaan ng puwesto.

Kasalukuyan itong nasa ikalawang puwesto sa women’s 55 kgs. division habang nasa unahan si Jiang Hui Hua ng China.

Ngunit upang makapasok sa Olympics, requirement ng internatio-nal federation na lumahok ang Top 8 weightlifters sa anim na IWF-sanctioned tournaments.

Sa kasalukuyan, may limang IWF events nang nalahukan si Diaz kaya’t anuman ang maging resulta ng kampanya nito sa Uzbekistan, awtomatikong makukuha ni Diaz ang slot sa Tokyo Olympics.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with