^

Bubble winners

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 11, 2020 - 12:00am

Itinanghal na Bubble King ang Barangay Ginebra nang i-deliver ang knockout punch sa pipilay-pilay na TNT Tropang Giga noong nakaraang gabi sa AUF Sports Center sa Angeles, Pampanga.

Masarap na panalo, lalo pa’t tinapos nito ang mahabang panahon na pagkagutom ng Gin Kings sa All-Filipino crown.

Dominante sila sa torneo kung saan sinungkit nila ang karangalan bilang eliminations topnotcher at pagkatapos ay isa-isang pinatumba ang Rain or Shine, Meralco at TNT sa playoffs.

Hindi madali.

Ito ang giit ni coach Tim Cone na nagpugay sa pagpupunyagi ng kanyang mga players at sa kontribyusyon ng kanyang coaching staff at trainers sa paggiya sa koponan sa mahirap na sitwasyon sa loob ng bubble.

Sinaluduhan din ni Cone ang Commissioner’s Office at PBA board dahil naisakatuparan ang PBA comeback tourney sa gitna ng pandemya.

Maaaring piliin ng PBA na ipahinga ang liga hanggang walang kasiguruhan ang sitwasyon sa pamamayagpag ng COVID-19.

Pero naging matatag sa desisyon na bumangon at lumaban.

Sa huli, nagningning ang tagumpay na nagbibigay pag-asa sa bansa na puwedeng kumilos at mamuhay sa gitna ng pandemya.

Kailangan lang sumunod sa minimum health protocols na ipinatutupad ng gobyerno.

Ito ay isang torneo na natapos na panalo ang lahat. Biggest winners ang Barangay Ginebra Kings at ang kabuuan ng liga.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with