^

PM Sports

Clarkson pinu-push ng SBP sa FIBA

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinusulong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na payagan ng International Basketball Federation (FIBA) na makalaro si Filipino-American Jordan Clarkson bilang regular player sa anumang FIBA-sanctioned tournaments.

Tuloy ang pakikipagdayalogo ng pamunuan ng SBP sa FIBA upang ipaliwanag na lehitimong Pilipino ang Utah Jazz star kaya’t nararapat lamang na maging regular member ito ng Gilas Pilipinas.

“I want him to be a local but we have to continue to work with FIBA. I’m ho-ping that he becomes part of the team as a Filipino because he is a Filipino,” ani SBP president Al Panlilio.

Target ng SBP na mapasama si Clarkson sa mga international tournaments na lalahukan ng Gilas Pilipinas kabilang na ang prestihiysong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa 2023.

Magiging malaking tulong si Clarkson para palakasin ang lineup ng Gilas Pilipinas lalo pa’t malalim ang karanasan nito dahil sa kanyang ilang taong NBA stint.

Nasilayan na si Clarkson suot ang Gilas Pilipinas jersey noong 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Subalit iba ang patakarang ipinatutupad ng Olympic Council of Asia na requirement lamang ang pagkakaroon ng Philippine passport para maging bahagi ng pambansang delegasyon sa quadrennial meet.

Sa patakaran ng FIBA, kailangang magkaroon ng passport ang isang player bago ito tumuntong sa 16-anyos upang maging regular player ng isang bansang kanyang nais katawanin.

Noong 2015 FIBA Asia Championship, iprinesenta ng SBP ang Philippine passport ni Clarkson - na noo’y naglalaro pa sa Los Angeles Lakers - na nakuha nito bago ito mag-16-gulang.

Subalit hindi ito kinatigan ng FIBA.

Sa halip, makalalaro lamang si Clarkson sa Gilas Pilipinas bilang isang naturalized player.

Ayon sa ilang sources, nagduda umano ang FIBA sa Philippine passport ni Clarkson dahil wala itong stamp na tanda na hindi ito nagamit.

Paliwanag naman ng isang source na posibleng ang American passport nito ang madalas na ginamit ni Clarkson noong kanyang teenager days.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with