^

PM Sports

Ateneo kontento na kay Angelo Kouame

Chris Co - Pang-masa
Ateneo kontento na kay Angelo Kouame
Angelo Kouame

MANILA, Philippines — Walang balak ang Ateneo de Manila University na magdagdag pa ng fo-reign student-athlete sa lineup nito sakaling pormal nang ma-naturalize si Ivorian Angelo Kouame.

Ito ang tiniyak ni Blue Eagles head coach Tab Baldwin upang tuldukan na ang mga haka-haka sa posibilidad na magdagdag ng isa pang fo-reign student-athlete ang Katipunan-based squad.

“I can tell you as the coach of the team that I would not be looking to add another import player. I won’t be taking advantage of Ange being a ‘local’ just because possibly the rules have not considered that scenario yet,” ani Baldwin sa Coaches Unfiltered ng Smart Sports.

Abot-kamay na ang naturalization ni Kouame para palakasin ang Gilas Pilipinas na sasabak sa malalaking international tournaments kabilang na ang FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero at ang prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa bansa sa 2023.

Tanging isang foreign student-athlete lamang ang pinapayagan ng UAAP na maglaro para sa isang koponan. Nauna nang napaulat na magiging regular student-athlete na si Kouame kung mana-naturalize na ito kaya’t maaari pang magpasok ang Ateneo ng isa pang foreign student-athlete.

Hindi pabor si Baldwin sa ganitong setup.

Kaya naman agad nitong binasag ang naturang isyu upang matapos na ang usap-usapan.

vuukle comment

ANGELO KOUAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with