^

PM Sports

PBA Special awards night, Rookie Draft naitakda Ulanday

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkasundo na ang PBA Board sa mga mahahalagang petsa para sa schedule ng susunod na season ng liga na magbubukas sa Abril 9 kasabay ng pagdiriwang ng pinakamatandang pro league sa Asya ng kanilang ika-46 na anibersaryo.

Una sa schedule ang PBA Awards Night na naka-takda sa Enero ngunit wala pang petsa.

Ang 2021 PBA Rookie Draft ay sa Marso 14 matapos ang deadline ng aplikasyon sa Enero 27 sa parehong lokal at Fil-Foreign players.

Puwede nang magpasa ng kanilang mga aplikasyon ang mga rookie aspirants simula sa Disyembre 7.

*MALUWAG ANG REQUIREMENTS SA ROOKIE DRAFT-- Inaasahang marami ang mag-a-apply sa 2021 PBA Rookie Draft dahil tatanggalin muna ng PBA ang requirement nito na dapat makapag-laro muna sa D-League ang mga draft applicants, bunsod ng pandemya.

Bago ang pandemya ay kailangang makapaglaro ang parehong local at Fil-Foreign applicants ng hanggang pitong games sa D-League na ‘di nakapagdaos ng mga laro ngayong season, upang makapasok sa PBA Draft.

*PBA 3x3 planong simulan SA susunod na taon-- Bago ang asintang pagbubukas ng susunod na season sa Abril ay hangarin din ng PBA na umarangkada na ang makasaysayang PBA 3x3 sa pangunguna ni Chairman Dickie Bachman ng Alaska.

Sa Enero o Pebrero nais masimulan ng PBA ang 3x3 tourney na magiging bahagi ng annual PBA Season kapareho ng traditional na 5-on-5 play bilang pagsabay sa international boom ng halfcourt discipline na kikilalanin na bilang official medal event sa Tokyo Olympics.

 

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with