^

PM Sports

PBA players puwede na sa Gilas sa 3rd window ng FIBA Cup qualifiers

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala nang magiging problema ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagbuo ng solidong Gilas Pilipinas team para sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Magiging available na ang lahat ng aktibong PBA players na maaaring hugutin sa third window dahil plano ng PBA na simulan ang susunod na season sa Abril.

Matatandaang hirap na makabuo ang SBP ng lineup sa nakaraang se-cond window dahil nasa loob ng bubble ang lahat ng players para tapusin ang PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

Kaya naman nagdesisyon ang asosasyon na ipadala ang Gilas Cadets sa Manama, Bahrain kung saan hindi binigo ng bagitong koponan ang sambayanan matapos ilampaso ng dalawang beses ang Thailand.

Pinuri ni SBP president Al Panlilio ang magandang ipinamalas ng Gilas Cadets sa Bahrain.

Ngunit naniniwala ito na mas lalong magiging solido ang koponan na may kumbinasyon ng mga bagito at mga beteranong players mula sa PBA na may mas malalim na karanasan.

“The best players are in the PBA and in FIBA competitions you need the experience playing internationally. It’s good that these 14 young men got an experience this window but in the tougher competitions you still need the veterans to come in and contribute,” ani Panlilio sa programang Sports Page.

Mas matinding laban ang naghihintay sa Gilas Pilipinas sa third window kung saan makakalaban nila ang Indonesia sa Pebrero 18 at South Korea sa Peb. 21.

Hindi pa nakalagay sa schedule ng FIBA ang dalawang naudlot na laban ng South Korea kontra sa Pilipinas at Indonesia sa second window.

Maliban sa pagbuo ng malakas na lineup, handa rin ang PBA na maging kaakibat ng SBP sakaling makuha ng Pilipinas ang hosting ng third window sa isang bubble setup.

Alam na ng PBA ang pagpapatupad ng health protocols sa isang bubble mula sa swab testing, accommodation hanggang pagsasagawa ng actual tournament gaya ng ginawa sa Clark.

Isasama na lamang sa konsepto ng PBA bubble ang mga natutunan ng SBP sa bubble setup na ginamit sa Bahrain na nakabase sa standards na inilatag ng FIBA.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with