^

PM Sports

POC tututukan ang Olympics at SEA Games

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang mainit na bakbakan sa eleksiyon, tututok na ang atensiyon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino sa preparas-yon ng Team Philippines para sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.

Nais ni Tolentino na iwasan na ang bangayan upang maisentro ang atensiyon ng lahat sa dalawang malaking international tournaments na lalahukan ng mga atleta sa susunod na taon.

Idaraos ang Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo habang nakatakda naman ang ika-31 edisyon ng SEA Games sa huling bahagi ng 2021 sa Hanoi, Vietnam.

Tiwala si Tolentino na lolobo pa ang bilang ng mga qualifiers sa Tokyo Games.

Apat na atleta pa lamang ang nakasisiguro ng puwesto sa Tokyo. Ito ay sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno ng boxing, SEA Games pole vault record holder Ernest John Obie-na ng athletics at world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

“I’m optimistic na madadagdagan pa ang qualifiers natin sa Tokyo Olympics dahil marami pa tayong atleta na may ma-lakas na chance na mag-qualify,” ani Tolentino na kamakailan lamang ay nakakuha ng sariwang apat na taong termino matapos talunin si Clint Aranas ng archery sa POC election.

Pinaghahandaan din ng POC ang SEA Games sa Vietnam kung saan ipagtatanggol ng Team Philippines ang hawak nitong overall championship crown na napanalunan noong 2019 edisyon sa Manila.

vuukle comment

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with