^

Championship experience

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

Bago pa ang simula ng PBA Philippine Cup finals, walang dudang bentahe ng Barangay Ginebra ang kanilang championship experience.

Sa unang dalawang laro, lumutang ang kanilang ganansiya sa bagay na ito.

Kahit na laging naghahabol, hindi nawala ang poise at composure. Sa endgame, mas matibay ang patience at perseverance.

Ang resulta: 100-94 overtime win sa Game One at 92-90 squeaker sa Game Two.

Ang TNT Tropang Giga na nasa proseso pa ng paghubog ng chemistry sa ilalim ng pamumuno ni active coaching consultant Mark Dickel, eh laging banderang kapos.

Kailangan ang malalim na muni-muni at matutunan ang kanilang leksyon sa unang dalawang laro kung gusto nilang pigilan ang paghahari ng Gin Kings.

Pinapakinabangan ng Gin Kings ang kanilang familiarity sa bawat isa dahil intact ang nucleus galing sa title run sa nakaraang Governors Cup.

Dumaan din ang TNT sa ganitong bagay noong kasagsagan ng kanilang league dominance sa pangunguna nina Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams, Larry Fonacier at Jayson Castro.

Pero inabutan ng Father Time at nagsisimula pang bumuo muli ng matatag na panlaban.

May solid core group na si Dickel sa katauhan nina Castro, RR Pogoy, Bobby Ray Parks, Troy Rosario, Poy Erram at Simon Enciso.

Pero kailangan pang pandayin ang karakter bilang matatag na lu-malabang koponan.

Magandang test run sa kanila ang mga susunod na laro. 

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with