Anu-ano ang awards na ibibigay?

Russell Cadayona (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang zoom meeting ng mga miyembro ng PBA Board ang itinakda ngayong hapon kung saan inaasahang isisingit ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagbibigay ng individual awards para sa 2020 Philippine Cup.

Tradisyunal na iginagawad ng liga sa mga players ang Most Valuable Player (MVP) at Rookie of the Year (ROY) trophy matapos ang isang buong season pati na ang pagkilala sa Best Player of the Conference.

Kasama rin dito ang paghirang sa Mythical Five, Mythical Second Team, Samboy Lim Sportsmanship Award, Most Improved Player at All-Defensive Team.

Ngunit dahil nasa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay  tanging ang PBA Philippine Cup lamang ang naisagawa ng liga at hindi naisama ang mga regular tournaments na Commissioner’s Cup at Governor’s Cup.

Ibinabase sa bawat individual awards ang mga naitalang statistical points ng isang player sa buong season na binubuo ng nasabing tatlong komperensya.

Ayon kay Marcial, posibleng magkasundo lamang ang PBA Board para sa paghirang sa BPC at Finals MVP ng All-Filipino tornament.

Sa pagtatapos ng semifinal round ay bumandera si TNT Tropang Giga star guard Ray Ray Parks, Jr. sa kanyang 38.3 Statistical Points (SP).

Tinulungan ng 6-foot-3 big guard ang Tropang Giga na makapasok sa Finals ng 2020 PBA Phi-lippine Cup laban sa Ginebra Gin Kings.

Kasunod ni Parks sa statistical race si Phoenix small forward Calvin Abueva na may 37.1 SPs at sina CJ Perez ng TerraFirma (35.7 SPs), Matthew Wright (35.6 SPs) ng Phoenix at NorthPort big man Christian Standhardinger (34.6 SPs).

Samantala, tatalaka-yin din sa pulong ng PBA Board ang mga programa para sa pagdribol ng 46th Season na inisyal na itinakda sa Abril ng susunod na taon pati na ang Rookie Draft.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with