Kouame malapit nang maging certified Pinoy
Ivorian Angelo Kouame

Kouame malapit nang maging certified Pinoy

Chris Co (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Unti-unti nang naglilinaw ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.

Masayang ibinalita ni Deputy Speaker at Antipolo first district Rep. Robbie Puno na lusot na sa committee level ang House Bill No. 5951 na magbibigay ng Filipino citizenship kay Kouame.

Sunod na hakbang na ang magiging botohan ng lahat ng miyembro ng Kongreso upang maipasa ang naturang bill. Ganito ring proseso ang kaila-ngang gawin sa Senado.

Kasalukuyang tinata-lakay pa sa committee level ang Senate Bill No. 1892 na isinulong ni Sen. Sonny Angara noong Oktubre 2.

Gaya ng Kongreso, kapag lusot na sa committee level ang bill, magbobotohan ang mga senador para maisulong ito.

Sa oras na maipasa sa Kongreso at Senado, ipadadala na ito sa executive department kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magdedesisyon kung aaprubahan ito o hindi.

Kating-kati na si Kouame na maglaro suot ang Gilas Pilipinas sa mga international competitions.  “It’s a really good opportunity sa akin kasi I wouldn’t have even expected this.”

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with